psych-facts: 10 Benefits of Laughter

onlinecounsellingcollege:

1. Laughter is contagious. It not only makes people who laugh feel better, but also those who laugh with them.
2. Laughter triggers the release of endorphins, the body’s natural painkillers, and produces a general sense of well-being.
3. Laughter generally…

Yael Yuzon

Feel ko lang magblog today. Si Ex ang topic. Mejo interesting kasi ang storya namin eh. Hahaha. Gay

Si ex =)) Si Anawin Famadico. Kamuka daw nya kasi si Yael Yuzon tas kaboses pa! Kaya ayun yung title :p Haha. 1st boyfriend ko sha. Bading sha. Jk lang ;) Umabot kami ng 2 yrs and 1 month kaso bata pa talaga ako nun kaya parang puppy love lang talaga yung relasyon namin. Naging kami nung bakasyon nung grade 5 ako mag gegrade 6 palang.. kumekerkeng na! Hahaha. Kasi ang gwapo nya nun eh. “Crush ng bayan” tas napaka talented tas ang talino pa!! Major turn on talaga!! Sino bang hindi magkakagusto dun? Grabe dami ko ding nakaaway na girl dahil sa kanya. Lagi nila akong inaaway dahil ako ang nagwagi? =))

Nung naging kami hindi pa uso ang cellphone =)) Kaya telephone lang ang gamit namin. Everyday kaming magkausap sa phone tas nung nag 3 months na kami parang joke lang. Di kami nagkikita, nag-uusap sa personal, nagpapansinan sa school kahit na nasa isang school lang kami. Mas matanda kasi sha skin ng isang taon.. so grade 6 ako tas sha 1st yr HS, tuwing recess lang kami pwede magkita kasi panghapon ang HS sa theresa tas ang elementary naman pang umaga lang chorva. Ayun wala lang joke time lang tas nakipagbreak na ako.. tinex ko sha? Tas nauso na ang cellphone! Hahaha. Nagkatext ulit kami tas nakipagbalikan sha tas ayun nga.. naging seryoso na. Dirediretso parin ang pag tetelebabad namin everyday tas text naman sa gabi tas nag uusap na kami sa personal tas ayun. Pero hindi kami nag mamall or nagkikita sa ibang lugar as in school lang talaga. Hanggang sa nag 1st year HS na ako! Ayun every morning sa school magkasama kami hanggang sa hindi pa nagbebell. Magkasama kami mag lunch and recess. Hanggang sa nalaman ng magulang ko tas pinagalitan lang naman ako tas ayun di naman nila ako napigilan. Tas nung 2nd yr na ako, lumipat ako sa gms. Magkalayo na kami -.- Sobrang nag hingalo talaga yung relasyon namin nun. Sinusundo nya ako sa school kahit ang layo tas nagkakalabuan na kami :( May gusto na shang iba. First time mawarak ng puso ko. Hanggang sa 2 yrs and 1 month na pinipilit ko parin ibalik yung dati. Pumunta ako sa bahay nila, I was like “Nagmamakaawa”. Tas parang balewala lang sa kanya. Ayaw na nya talaga sakin. Edi ayun drama queen ang peg ko. Hahaha. Hindi na kami nagkita simula nung nagbreak kami. Wala na talagang communication since nung break up. After a month I met Bryan. Nafall na si loka at ayun.. chorva dont wanna talk about it =))

Ngayon 2012 na. Feb 24, 2006 ko sinagot si Awin eh. “Bhe” pa nga tawagan namin, eww. Hahaha. Edi kung kmi pa ngayon edi sana 6 yrs na kami. Haha. Nung naging kami na ni Bryan, naging close ulit kami ni Awin. Sha yung kausp ko pag may problema kami ni Bry, sha yung laging nanjan para icomfort ako. 2 yrs din ang dumaan hindi parin sha nag kaka-gf. Tapos finally nagkaruon na sha! Friend ko at ka-choir ko sa church. Kambal ang tawag samin kasi magkamuka daw kami =)) Bale na inlove ang Ex ko sa kamuka ko. Hahaha. Pag may problem sha tinatex nya ko tas ayun tulungan lang kami forever. Hanggang sa nagbreak sila.. umabot sila ng 1 yr. Ayaw na sa kanya nung girl, ito na si Awin hagulgul mode na.. Ako naman ang tumutulong sa kanya. Tas ngayon bago na ulit boyfriend ko si Searle na. Si Awin naman wala na ulit, pag may prob kami ni Searle sha tinetext ko. Bading kasi yun eh. Haha. 

One time sinundo nya ko sa school ko nung 2nd sem kasama nya si Faith kasi pinakilala ko si Faith sa kanya tas naging friends din sila. Tas nag mcdo kami, wala lang kulitan lang. Tas minsan nagkikita kami dahil wala lang =)) Mahal ako nun eh, pag inuman di nya ako pwedeng hiwalayan kasi baka may lumapit saking iba even though bestfriends lang talaga kami.. inaasar parin kami ng iba nyang tropa. Hahaha. Ayunn.

Ito sha oh, maputi yan sobra. =))